top of page

1 PATAY, 1 SUGATAN SA PANIBAGONG INSIDENTE NG PAMAMARIL SA BAYAN NG PIKIT, COTABATO

  • Teddy Borja
  • Dec 3, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Patay ang 18-anyos na si Muslimen Matiyo Nanalong at sugatan ang kasama nitong kinilala sa pangalang Rafael matapos pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo sa Sitio Baklayan, Barangay Inugug, Pikit, Cotabato alas 8:00 ng umaga kanina.



Sinasabing grade 11 students ang mga biktima na parehong residente ng Kabasalan Ligawasan, SGA, BARMM.


Base sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, binaril ng mga salarin sa ulo si Muslimen at ibabang bahagi ng katawan naman ang biktimang si Rafael. Dinala ang huli sa pagamutan.


Inaalam pa ng otoridad ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page