1 patay, 1 sugatan sa panibagong kaso ng pamamaril sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur
- Teddy Borja
- Jan 23
- 1 min read
iMINDSPH

Isa ang patay at isa ang sugatan sa pamamaril sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur. Dalawmapung piraso ng basyo ng bala ang natagpuan ng otoridad sa crime scene.
Nasawi si Rashid Kamid, habang sugatan naman ang 39-anyos na si Faisal Guiamalon, parehong residente ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.
Sa report ng otoridad, ala 5:50 ng hapon araw ng Miyerkules, January 22 nang pagbabarilin ang dalawang biktima sa Mother Poblacion ng bayan.
Sakay umano ng 2 motorsiklo ang apat ng mga salarin na biglang dumating sa lugar at pinagbabaril ang mga biktima.
Dalawampung basyo ng bala ang natagpuan ng otoridad sa crime scene na isinumite na sa RFU BAR para sa ballistic examination.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng otoridad sa krimen. Sa ngayon, wala pang pagkakakilanlan sa mga salarin at hindi tukoy ang motibo sa pamamaril.
Comments