1 patay, 1 sugatan sa panibagong shooting incident sa Cotabato City
- Teddy Borja
- Feb 13
- 1 min read
iMINDSPH

Nasawi si Maula Gadzali habang sugatan naman si Normina Matar matapos pagbabarilin sa Purok Poblacion 1, Tamontaka 4, Cotabato City.

Naganap ang pamamaril alas 12:40 kaninang umaga.

Ayon sa report ng Police Station 3 ng Cotabato City Police Office, sakay ng payong-payong ang mga biktima nang sundan ng mga naka motor na suspek at saka pinagbabaril.
Hindi pa tukoy ng otoridad ang mga may gawa ng krimen at hindi pa natutumbok ng motibo ng pamamaril.
Comments