top of page

1 SECURITY GUARD, PATAY, 2 PULIS SUGATAN MATAPOS BARILIN NG ISA RING PULIS SA LOOB NG BUS SA MAKILALA, COTABATO AT SA BORDER CONTROL POINT SA DAVAO DEL SUR

  • Teddy Borja
  • Dec 30, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH


Patay ang pasahero na si Reynaldo Bigno Jr., isang security guard nang barilin ni PCpl Alfred Dawatan Sabas sa loob ng bus sa Barangay Batasan, Makilala, Cotabato ala 6:30 ng umaga, a-28 ng Disyembre.



Mula sa General Santos City ang suspek kung saan nakadestino ito sa Police Station 7 ng syudad.


Base sa imbestigasyon ng otoridad, kasasakay lamang ng biktima nang barilin ito sa ulo ng suspek.


Matapos ang krimen, sinabi umano ng suspek sa driver na ituloy ang pagmamaneho. Kinumbinse din umano ng driver ang suspek na makipag-ugnayan sa otoridad pagsapit nila sa 1104th Regional Mobile Force Battalion 11 Border Control Point sa Baranagay New Opon, Magsaysay, Davao del Sur-


Pero ayon sa otoridad, nang dumating na umano sa lugar, pinagbabaril din ng pulis si PCpl Kent Maurith Pamaos at Pat Russel Love Tapia na nakaduty sa border control point.


Agad isinugod sa pagamutan ang mga biktima, tumakas naman ang suspek pero naaresto rin sa pursuit operation ng otoridad.


Nasa kustodiya na ng Magsaysay Municipal Police Station ang pulis na suspek para sa proper disposition.


Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Provincial Investigation and Detective Management Unit (PIDMU) sa mga lugar na pinangyarihan ng krimen.


Nahaharap sa Kasong murder at frustrated murder ang suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page