100 residente na binaha sa Bongao, Tawi-Tawi, tumanggap ng rice assistance at food packages mula sa Project TABANG
- Diane Hora
- Feb 5
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ng Ayuda Alay sa Bangsamoro o ALAB program ng Project TABANG ang pamamahagi ng bigas at food packages sa isang daang pamilya na binaha sa Barangay Pahut, Bongao, Tawi-Tawi.

Isinagawa ang distribusyon a-4 ng Pebrero sa pakikipagtulungan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office o MDRRMO ng Bongao, Barangay Local Government Unit ng Pahut, at Marine Battalion Landing Team - 4.

Ang Barangay Pahut ang isa sa mga oldest community sa Bongao kung saan karamihan sa mga naninirahan ay tribung Sama.
Ang lugar ay matatagpuan malapit sa Bud Bongao.
Comentarios