105 dagdag na pulis mula sa PRO 2 na kabilang sa Special Electoral Board, dumating na sa Maguindanao del Norte
- Teddy Borja
- 4 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pormal na tinanggap ni Maguindanao del Norte Provincial Police Director, Police Colonel Eleuterio Ricardo Jr ang isang daan at limang pulis mula sa PRO 2 na dumating araw ng Linggo, May 4, sa Awang Airport, Datu Odin Sinsuat.

Ang 105 pulis mula sa PRO 2 ay kabilang sa mga Special Electoral Board na idi-deploy sa halalan sa Lunes, May 12.

Sumailalim agad sa briefing at orientation ang mga ito hinggil sa lugar kung saan sila nakatakdang ideploy.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na listahan ang COMELEC Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur kung anong bayan sa mga nabanggit na probinsya ang magkakaroon ng pulis na SEB.



Kommentare