top of page

11 indibidwal, arestado sa Davao del Norte dahil sa illegal LPG refilling

  • Teddy Borja
  • Oct 23
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Labing isang indibidwal ang arestado dahil sa illegal LPG refilling.


Ala 5:00 ng hapon, araw ng Martes, October 21, 2025, nang ikasa ng mga elemento ng PNP RO 11 Search Warrant sa Kapalong, Davao del Norte.


Arestado sa operasyon ang isang alyas “Ronald”.


Ayon sa awtoridad, huli sa akto ang suspek na iligal na nagre-refill ng LPG.


Ayon sa PNP PRO 11, isa itong paglabag sa Republic Act No. 11592,o ang LPG Industry Regulation Act of 2021.


Kinumpiska rin ng awtoridad ang LPG cylinders, refilling equipment, seals, at iba pang paraphernalia na nagkakahalaga ng ₱1,546,700.00.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page