SPACE JELLYFISH Namataan sa Pangasinan noong April 11, ng gabi bunsod ng pagdaan ng Jielong-3 rocket ng People's Republic of China.
- 2 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Labis ang pag-aalala ng mga netizen matapos masaksihan ang isang misteryong liwanag sa langit na agad ikinabahala ng marami. Marami ang nagtanong kung ito ba ay isang missile o bahagi lamang ng isang rocket launch phenomenon na nagdulot ng kakaibang tanawin sa kalangitan.
Ayon sa Philippine Space Agency o PhilSA, ang namataang liwanag sa himpapawid ay dulot ng pagdaan ng Jielong-3 rocket ng People's Republic of China mula sa South China Sea bandang 7:32 PM Philippine Standard Time na tinatawag na Space Jellyfish.
Nagaganap umano ang naturang phenomenon kapag ang usok o exhaust plume ng isang rocket na inilabas sa mataas na altitude ay direktang tinatamaan ng sikat ng araw, habang ang mga tao sa ibaba ay nasa madilim pa o gabi. Bunsod ng manipis na hangin sa upper atmosphere, ang usok ay lumalawak at nagkakalat ng liwanag kaya nagkakaroon luminous, jellyfish-like o dikya na makikita sa malawak na lugar lalo na tuwing takipsilim.



Comments