top of page

11 PANG LOOSE FIREARMS NA INABANDONA NG MGA ARMADONG GRUPO SA MAMASAPANO, MAGUINDANAO DEL SUR ANG NAPASAKAMAY NG MILITAR MATAPOS ISUMBONG NG ISANG CONCERNED CITIZEN ANG KINAROROONAN NG MGA ITO

  • Teddy Borja
  • Dec 3, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Umabot na sa pitumpot tatlo ang bilang ng mga loose firearms na napasakamay ng militar simula noong nakaraang linggo sa Pimbalakan at Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao del Sur.


Labing isang armas pa na inabandona ng mga armadong grupo sa lugar ang nadagdag sa bilang. Natagpuan ito ng militar matapos itong ipagbigay alam ng isang concerned citizen, a -30 ng Nobyembre.

Ayon sa 6th Infantry Division, isinumbong ito kay Lt. Col. Udgie Villan, Commanding Officer ng 33IB habang nagsasagawa sila ng pulong-pulong sa Barangay Gymnasium ng Tukanalipao ng nasabing munisipyo.

Ang mga inabandonang armas ay kinabibilangan ng tatlong Cal. 30 Sniper Rifle, dalawang Grenade Launcher, dalawang M16A1 Rifle, isang Cal. 50 Sniper Rifle, isang Cal. 30 Garand Rifle, isang M14 Rifle at isang Cal. 30 Carbine M1.

Binigyang diin ni Maj. Gen. Antonio Nafarrete, 6ID at JTF Central Commander na patuloy na magsasagawa ang Army at PNP ng operasyon kontra sa paglaganap ng illegal at loose firearms sa Central at South-Central Mindanao.

 
 
 

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page