top of page

118 RESIDENTE NG BAGUA 1, COTABATO CITY NABIGYAN NG GAMOT AT MEDICAL SUPPLIES SA MEDICAL MISSION NG LGU AT AHOD NG PROJECT TABANG; 2 LOLO SA RH-3 AT DOS, MDN ANG NABIGYAN DIN NG GAMOT AT WHEELCHAIR

  • Diane Hora
  • Dec 5, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Tuloy sa pag arangkada ang Project TABANG sa iba’t ibang lugar sa BARMM.



118 na residente ng Bagua 1, Cotabato City ang nabigyan ng gamot at iba pang medical supplies sa isinagawang Medical Mission sa lugar na pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Cotabato City at Project TABANG.



Nabigyan ang mga ito ng pagkakataon para sa free consultations, examinations at laboratory testing services.



Nabigyan din ng gamot at wheelchair ng programa ang 71-anyos na Lolo sa Rosary Heights 3, Cotabato City na si Kadil Ayunan, at ang 77-anyos na lolo na si Guiamaludin Kanda, mula sa Barangay Bitu, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte



Ang programa ay hatid ng Access to Health Opportunities, and Development o AHOD Program ng tanggapan ni Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim.



Na isang sub-program ng Health Ancillary Services na tumutugon sa bawat pangangailangan ng Bangsamoro, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga libreng medikal na supply at gamot sa bawat Bangsamoro, kasama ang iba pang mga health at non-health institutions mula sa loob at labas ng Bangsamoro region.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page