top of page

12 matataas na kalibre ng loose firearms, itinurn over sa otoridad ng mga elected officials ng Matanog, Maguindanao del Sur, bilang suporta sa Small Arms and Light Weapons Management Program

  • Teddy Borja
  • Feb 10
  • 1 min read

iMINDSPH



Pinangunahan mismo ni Mayor Zohria Bansil-Guro ang pagturn over ng 7.62mm Rifle, 5.56mm Rifle Model M&P-15, limang Cal. 45, dalawang Cal. 38 Pistol, isang KG9 9mm, isang Shotgun, isang M79 40mm GL, mga magasin at mga bala.


Kasama ng alkalde ang mga barangay kapitan ng bayan.


Isinuko ito sa pamunuan ng Maguindanao Del Norte Police Provincial Office at Marine Battalion Landing Team 2, a-5 ng Pebrero na ginanap sa Women's Training Center, Matanog Municipal Hall, Maguindanao del Norte.


Bahagi ito ng pagsuporta ng LGU sa Small Arms and Light Weapons Management Program ng gobyerno.


Malugod na tinanggap ni Police Col. Eleuterio Ricardo Jr., ang Provincial Director ng Maguindanao del Norte at Lt. Col John de la Cruz ang pagsuko ng mga baril.


Pinapurihan ni 6th ID Commander at Joint Task Force Center Commander, Brigadier General Donald Gumiran, ang positibong tugon ng lokal na pamahalaan at mga residente sa paglalansag ng loose firearms.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page