12 senatorial candidates sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas kabilang ang senatorial candidates ng Partido Federal ng Pilipinas, ipinakilala na!
- Diane Hora
- Feb 14
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang proclamation rally ng ‘Alyansa Para sa Bagong Pilipinas’ sa Laoag City, Ilocos Norte, a-11 ng Pebrero.

Kabilang dito ang senatorial candidates ng Partido Federal ng Pilipinas na sina Benhur Abalos, Manny Pacquiao, at Sen. Francis Tolentino. Kasama din sa proclamation rally ang presidential sister Senator Imee Marcos.

Bubuo sa 12 Senatorial Candidates sina Senator Bong Revilla, Senator Pia Cayetano, Senator Lito Lapid, Former Senators Tito Sotto, Ping Lacson, gayundin sina Congresswoman Camille Villar, Mayor Abby Binay, at Party-List Rep. Erwin Tulfo.

Ang alyansa ay binubuo ng limang political Parties na kinabibilangan ng Partido Federal ng Pilipinas on PFP, Lakas-Christian Muslim Democrats o LAKAS-CMD, Nationalist People’s Coalition o NPC, Nacionalista Party o NP at National Unity Party o NUP.
Matapos ang Laoag, tinungo rin ng Alyansa Para Bagong Pilipinas ang Ilo-ilo City.
Comments