top of page

13-anyos na estudyante, nakaligtas matapos pagbabarilin ang minamanehong kotse sa Buluan, Maguindanao del Sur

  • Diane Hora
  • Feb 12
  • 1 min read

iMINDSPH



Nakaligtas ang 13-anyos na estudyante matapos pagbabarilin ang kanyang minamanehong kotse sa national highway ng Poblacion, Buluan, Maguindanao del Sur.


Kinilala ang biktima na si alyas Datu, residente ng Camias St., Poblacion, Buluan, Maguindanao del Sur.


Sa report ng Buluan Municipal Police, bumaba umano sa kanilang sasakyan ang grupo ng mga kalalakihan at pinaputukan ang kotse ng biktima.


Mabilis na nakapagmaneho papalayo sa lugar ang biktima ayon pa sa report ng Buluan Municipal Police. Agad din tumakas ang mga suspek ayon sa report.


Walang nakuhang basyo ng bala sa crime scene.


Wala pang pagkakakilanlan ang otoridad sa mga suspek at blanko pa sa motibo sa krimen.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page