14 drug suspects, tiklo sa buy-bust operation ng otoridad sa Tamparan, Lanao del Sur
- Teddy Borja
- Apr 23
- 1 min read
iMINDSPH

Ikinasa ng otoridad ang operasyon alas 5:30 ng hapon, Abril a-21 sa Poblacion 4, Tamparan.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang labimpitong heat-sealed sachets ng suspected shabu na tumitimbang ng 3.61 grams at may estimated street value na P24,548.
Napasakamay din ng otoridad ang buy-bust money.
Nasa kustodiya na ng Tamparan Municipal Police ang mga naarestong suspek habang inihahanda ang kasong isasampa sa mga ito.
Comments