top of page

142 AHME-SP scholars na nagtapos na may latin honors tumanggap ng cash incentives mula sa MBHTE BARMM

  • Diane Hora
  • Feb 5
  • 1 min read

iMINDSPH



Tinanggap ng isang Summa Cum Laude ang 20,000 pesos cash incentive mula sa Directorate General for Higher Education o DGHE ng MBHTE BARMM.



15,000 pesos naman ang tinanggap ng dalawampu’t dalawang Magna Cum Laude at 10,000 pesos ang tinanggap ng isang daan at siyam na Cum Laude.


Sila ang Isang daan at apatnapu’t dalawang AHME-SP 1st Cohort Scholars ng MBHTE BARMM na nagtapos na may Latin Honors.


Binati naman ni DGHE Director General Marjuni Maddi ang mga awardees, at binigyang diin na ang kanilang tagumpay ay hindi lamang para sa kanilang sarili at pamillya kundi sa buong MBHTE at BARMM.


Ipinagmamalaki naman ni Deputy Minister Haron Meling ang karangalan na ibinigay ng mga iskolar sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page