top of page

15 araw na Joint Law Enforcement Operation na ikinasa ng BLTFRB, BLTO, HPG, CTTMC at TEU, layon na masawata ang mga lumalabag sa batas trapiko

  • Diane Hora
  • 4 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Puspusan ang ginagawang Joint Law Enforcement Operations sa Cotabato City-

Sa pangunguna ng BLTFRB, BLTO, HPG, CTTMC at TEU na layon na masawata ang mga lumalabag sa batas trapiko.



Layunin ng operasyon na masawata ang mga lumalabag sa umiiral na batas trapiko at regulasyon sa prangkisa.


Kabilang sa mga tinututukan ay ang mga hindi rehistradong sasakyan, kolorum na biyahe, at iba pang paglabag sa batas trapiko.


Nagsasagawa rin ng spot checks at roadside inspections sa mga pangunahing kalsada ng lungsod.


Patuloy na nakatuon ang BLTFRB sa mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntunin sa pagbibigay ng prangkisa para sa mga pampasaherong sasakyan sa Bangsamoro.


Bahagi ito ng mas malawak na layunin ng pamahalaan na tiyakin ang ligtas, legal, at maayos na sistema ng transportasyon para sa mamamayan ng rehiyon.

 
 
 

Commentaires

Noté 0 étoile sur 5.
Pas encore de note

Ajouter une note

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page