top of page

SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM | 24/7 EMERGENCY CALL SYSTEM

  • Diane Hora
  • 3 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Agad pinulong ni Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura ang mga konsehal, kapitan at SK chairperson ng bayan sa unang araw ng pag-upo nito muli sa pwesto bilang alkalde.


Sa kanyang mensahe, taos-pusong nagpasalamat si Mayor sa tiwalang ibinigay sa kanya noong nakaraang halalan.


Isa sa mga pangunahing tinalakay ng opisyal sa pulong ay ang Solid Waste Management Program, na tinukoy ng alkalde bilang “non-negotiable” o hindi maaaring ipagwalang-bahala.


Binigyang-diin niya ang pangangailangang panatilihing malinis ang buong bayan at inatasan ang lahat ng Punong Barangay na tiyakin ang kaayusan at kalinisan sa kani-kanilang nasasakupan.


Tinalakay din ang planong pagpapatupad ng 24/7 Emergency Call System para sa mabilisang tugon sa mga insidente, at ang pagpapalawak ng SALAM Barangay Program para mas mapalapit ang serbisyo ng LGU sa mga tao.


Ang nasabing pulong ay simula ng serye ng konsultasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga barangay upang mas mapatibay ang ugnayan tungo sa maayos na pamamahala.

 
 
 

Commentaires

Noté 0 étoile sur 5.
Pas encore de note

Ajouter une note

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page