top of page

15 MIYEMBRO NG LAWLESS TERRORIST GROUP, NAGBALIK LOOB SA GOBYERNO

  • Teddy Borja
  • Dec 17, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Tuluyan nang tinalikuran ng labinlimang Lawless Terrorist Group members ang kanilang grupo at nagbalik loob sa gobyerno a-16 ng Disyembre.



Sa isang programang isinagawa sa Headquarters ng Brigade Support Area, 1st Brigade Combat Team, pinangunahan ni Lt. Col. Gilbert Boado, Commanding Officer ang pagprisenta sa mga sumukong indibidwal kay Brig. Gen. Jose Vladimir Cagara, Commander, 1BCT.

Bitbit din ng mga ito ang kanilang mga kagamitang pangdigma na kinabibilangan ng apat na 40mm RPG, dalawang Cal. 50 Barret, isang M1 Carbine Cal. 30, isang Carbine Cal. 30 Garand, dalawang 7.62mm Sniper Rifle, isang KG9 9mm UZI, labing-isang IED, isang cartridge ng 40mm RPG with propellant at isang cartridge ng Rifle Grenade.

Ikinagalak naman ni Brig. Gen. Cagara ang piniling hakbang ng labin-limang dating combatant para sa kapayapaan at kaunlaran ng kanilang komunidad.

Pinasasalamatan naman ni Maj. Gen. Antonio G. Nafarrete, 6ID at JTF Central Commander ang lahat ng nagsumikap para makamit ang matiwasay at mapayapang komunidad na malayo sa banta ng mga armadong indibidwal.

 
 
 

Комментарии

Оценка: 0 из 5 звезд.
Еще нет оценок

Добавить рейтинг

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page