16 anyos na batang may karamdaman sa balat, pinatingnan sa doktor at hindi pinabayaan ng provincial government ng Maguindanao del Sur
- Diane Hora
- Feb 17
- 1 min read
iMINDSPH

Siya si Walid Sanday, labing anim na taong gulang na bata, mayroong karamdaman sa balat at residente ng Gen. Salipada K. Pendatun, Maguindanao del Sur.

Nakarating sa Agila ng Maguindanao del Sur, Gov Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang sitwasyon ng batang si Walid kung kaya't direktang ipinag-utos ng Gobernadora na tugunan ang pangangailangang medikal nito.

Matapos matingnan ng doktor at isailalim sa laboratory tests ay personal na inihatid ng team Pdrrmo Maguindanao del Sur ang pasyente sa kanilang tinuluyan sa bayan ng GSKP.

Laking pasasalamat ng pamilya ng batang si Walid sapagkat inalalayan at hindi pinabayaan ang kanilang anak mula sa hospital, maging sa pag provide ng niresetang gamot at hanggang sa ito ay makauwi.
Nakatanggap rin ng bigas at cash assistance ang pamilya ng pasyente na maaari nilang magamit sa pang araw-araw.
Comments