iMINDSPH

Sumuko ang labing anim na dating violent extremist, alas-10:00 ng umaga, araw ng Biyernes sa headquarters ng 6th Infantry Battalion sa Barangay Buayan, Datu Piang.

Pinangasiwaan ito ng 601st Infantry (Unifier) Brigade sa ilalim ng pamumuno ni BGen. Edgar Catu sa pakikipagtulungan ng Provincial Intelligence Unit at mga elemento ng PNP.

Isa (1) sa mga sumuko ang mula sa Shariff Saydona Mustapha; 12 mula sa Datu Salibo at tatlo (3) mula sa Datu Saudi Ampatuan.

Ang mga sumuko ay isinasailalim ngayon sa custodial debriefing.
Nasa kustodiya naman ng 6IB ang mga isinukong armas para sa inventory at proper disposition.
Comments