top of page

Senate Commitee on Foreign Relations Chair Sen. Imee Marcos, magsasagawa ng agarang imbestigasyon kaugnay pag aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte

iMINDSPH



Sa isang pahayag, sinabi ni Senator Imee Marcos, ang chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations na magsagawa ng agarang imbestigasyon kaugnay sa pagkaka aresto kay former President Rodrigo Duterte, isang usapin na nagresulta aniya ng pagkakawatak-watak ng bansa.


Mahalaga aniya na mailatag kung nasunod ang due process at matiyak na ang legal rights ng dating Pangulo ay hindi lamang dapat nasunod kundi naprotektahan din lalo na aniya at sangkot ang International Criminal Police Organization o Interpol at ang International Criminal Court o ICC.


Upang bigyang linaw ito, inimbitahan ng senador ang mga key officials at agencies, kabilang na ang mga opisyal mula sa PNP, OTS-DOTr, DOJ, DFA, NSC, CAAP, at iba pang resource persons at witnesses.


Dapat aniya na tugunan ng Senado ang mga critical concerns upang isakatuparan ang hurisdiksyon ng bansa at linawin ang mga polisiya ng mga law enforcement agencies at ang pakikipag ugnayan ng mga ito sa international tribunals.

Commentaires

Noté 0 étoile sur 5.
Pas encore de note

Ajouter une note

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page