iMINDSPH

19 Base Commanders ng MILF ang nakasama ni OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr sa Iftar, araw ng Linggo, March 16.

Kabilang sa mga Base Commanders si MILF CCCH Chair Butch Malang.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni OPAPRU Assistant Secretary Jordan Bayam kalakip ng mga larawan ng pagtitipon. Sa pulong, tinalakay aniya ang bagong BARMM Leadership transition.

Nakasaad sa post ng opisyal na mas interesado aniya ang mga kumander sa socio-economic projects na maibibigay ng national government tulad ng tractors, threshers, fishing boats at fish cage, gayun din ang farm to market road at education assistance.

Inaabangan din aniya ng mga ito ang tagumpay ng bagong liderato ng BARMM.
コメント