17 matataas na kalibre ng armas kinumpiska ng militar mula sa 2 naglalabang grupo sa Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur
- Teddy Borja
- Feb 7
- 1 min read
iMINDSPH

Ayon kay 33IB Battalion Commander, Lt. Col. Udgie Villan, nagkaroon ng bakbakan sa pagitan ng grupo ni Marato Felmin at Baguindali Felmin na parehong magkakamag-anak sa lugar dahil sa personal na hidwaan.
Ayon sa 6th Infantry Division, mabilis na namagitan ang mga kasundaluhan kasama ang mga elemento ng Rajah Buayan at Sultan Sa Barongis Municipal Police para dis armahan ang grupo pero mabilis na nagtakbuhan ang mga ito ayon sa militar at iniwan ang kanilang mga baril ala-6:00 ng umaga, araw ng Huwebes.
Sinabi ni Col. Edgar Catu, ang Commander ng 601st Brigade, na mahigpit ang pagbabantay ng mga sundalo para mapigilan ang pagsiklab muli ng kaguluhan.
Babala na rin aniya ito sa mga grupong nagbabalak na gumawa ng karahasan.
Nananawagan naman si Brigadier General Donald Gumiran, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central, sa mga indibidwal at grupo na sangkot sa mga ‘rido’ o clan war at ginagamit ang mga illegal na armas upang makapaghasik ng kaguluhan sa mga sibilyan na hindi sagot ang dahas sa pagresolba sa mga girian.
Aniya, ang pag-uusap sa mahinahong paraan ang siyang daan para makamit ang solusyon sa mga hindi pagkakaunawaan.
Comentários