18-ANYOS NA LALAKI NA NALUNOD SA SIMUAY RIVER SHORELINE NG BRGY DARAPANAN, SULTAN KUDARAT, MAGUINDANAO DEL NORTE, BANGKAY NA NANG MATAGPUAN!
- Teddy Borja
- Nov 26, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Wala ng buhay nang matagpuan, umaga ng Lunes, ang 18-anyos na lalaki na nalunod noong Linggo, November 24, 2024 sa Simuay River, Darapanan, Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Nakita ang biktima sa Barangay Dalumangcob.

Kinilala ng otoridad ang biktima na si Alid Dimalilay, residente ng Brgy Salimbao, at estudyante ng Markadz Ridwan Islamic School sa Brgy Darapanan.
Umabot na labimpitong oras ang paghahanap sa biktima kung saan tumulong din ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office PDRRMO, MDRRMO Sultan Kudarat at BARMM Rescue.
Ayon pa kay PMSg Aldin Dalgan na aksidente lamang ang nangyari, at walang kahit anong foulplay.
Comments