18 indibidwal, arestado sa 16 magkahiwalay na operasyon sa Cotabato City sa buwan ng Enero ngayong taon; Php 3,413,188 halaga ng iligal na droga, nasamsam!
- Teddy Borja
- Feb 3
- 1 min read
iMINDSPH
Mahigit tatlong milyong piso na halaga ng mga iligal na droga ang nasamsam ng Cotabato City Police sa labing walo na magkahiwalay na operasyon sa buong buwan ng Enero ngayong taon. Labing walong indibidwal din ang arestado.
501.6969 gramo ng iligal na droga ang nasamsam ng mga elemento ng Cotabato City Police Office sa labing anim na magkahiwalay na operasyon sa syudad sa buong buwan Enero.
Ang nasamsam na iligal na droga ay nagkakahalaga ng 3,413,188 pesos.
Labing walong indibidwal din ang arestado sa mga ikinasang operasyon, dalawa sa mga ito ang High Value Target.

Comments