18 MARKADZ SA 2 BAYAN NG MDN, 2 BAYAN NG MAGSUR, AT SA 1 BAYAN NG LANAO DEL SUR, NAKATANGGAP NG AYUDA MULA SA HOMES PROGRAM; RRT, NAGPAABOT DIN NG AYUDA SA 3 PAMILYANG APEKTADO NG BAHA SA PANDAG
- Diane Hora
- Nov 28, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Isang daan at labing dalawang sako ng tig-25 kilos ng bigas na may kasamang food packs canned goods, noodles, powdered milk, asukal at mantika ang kaloob muli ng Humanitarian for Orphanages, Markadz, Elderlies and with Special Needs o HOMES Program.

Ito ay tinanggap ng labing walong Markadz sa bayan ng Barira at Parang sa Maguindanao del Norte, bayan ng Datu Piang at Talayan naman sa Maguindanao del Sur, at sa bayan ng Picong, Lanao del Sur, araw ng Lunes, Martes, at Miyerkules, November 25 hanggang 27.

Kabilang sa mga nakatanggap ay ang;
1. Markadz Nahrol Oloom Litafhedil Qur’an Kareem
2. Markadz Kidama
3. Markadz Binical
4. Markadz Central Bles
5. Markadz khalid Bin Nasit
6. Markadz Abdulazis Lithafhidel Qur’an Kareem
7. Markadz Sayyed
8. Markadz Balanakan
9. Markadz Abdulkarim
10. Markadz Rahmah
11. Markadz Gadungan
12. Markadz Ahlissunnah wal jamaah
13. Markadz Arrasid
14. Markadz sayyid Salam Girls
15. Markadz Tarbiyyah Al-Islamiya
16. Markadz Samsia Al-Islamiya
17. Markadz Islamic
18. Markadz Canapia Al-Islamiya



Samantala, nagpaabot din ang Rapid Reaction Team o RRT ng Project TABANG ng tatlong sako ng tig-25 kilos ng bigas, tatlong kahon ng food packs, tatlong sets ng kitchenwares, tatlong mats, tatlong comforters at mga trapal, sa tatlong pamilya na apektado ng pagbaha sa Barangay Maglangit, Pandag, Maguindanao del Sur, araw ng Miyerkules, a-27 ng Nobyembre, bilang Calamity Response ng tanggapan.

Ang mga programang ito ay sa ilalim ng tanggapan ni BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim, sa pamamagitan ng Project TABANG.




Comments