top of page

1st regular election sa BARMM, idadaos sa October 13, 2025 matapos magkasundo sa bicameral conference committee ang dalawang Kapulungan ng Kongreso

  • Diane Hora
  • Feb 4
  • 1 min read

iMINDSPH


Pinal ang pagdadaos ng kauna-unahang regular elections sa BARMM sa darating ng October 13, 2025.


Ito ang napagkasunduan sa Bicameral Conference Committee ng Senado at Kongreso ngayong araw, February 4, 2025.


Lunes ng hapon, February 3 nang aprubahan sa 3rd at final reading ng Senado ang Senate Bill No. 2942 na naglalayong i-reset sa October 13, 2025 ang halalan sa rehiyon mula sa dating petsa na May 12, 2025 kasabay ng National at Local elections.


Mananatili naman sa kanilang posisyon ang kasalukuyang miyembro ng BTA Parliament hanggang sa makapaghalal na ng mga miyembro ng Parliamento sa BARMM.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page