top of page

2,000 pamilya na binaha sa Barangay Limbo, Sultan Kudarat, tumanggap ng ayuda mula sa SALAM at LIMO teams

  • Diane Hora
  • 7 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Sanib-pwersa ang LIMO team ni Maguindanao del Norte with Cotabato City Representative Bai Dimple Mastura at ang SALAM team ni Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Biruar-Mastura sa isinagawang relief operation para sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding pagbaha sa Barangay Limbo, bayan ng Sultan Kudarat.



Pinangunahan mismo ng alkalde ang pamamahagi ng tulong, katuwang ang mga kinatawan ng LIMO team ng Kongresista ng Masa at ang Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Limbo, sa pamumuno ni kapitan Datu Shafdar Mastura-Bandila.



Ayon sa datos mula sa lokal na pamahalaan, tinatayang higit sa 2,000 pamilya ang nakatanggap ng ayuda, kabilang ang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain at relief goods.


Ang operasyon ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 12.


Ang inisyatibang ito ay patunay ng koordinadong aksyon ng mga lider ng Bangsamoro para sa agarang tumugon sa mga pangangailangan ng mamamayan sa panahon ng sakuna.

 
 
 

Commentaires

Noté 0 étoile sur 5.
Pas encore de note

Ajouter une note

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page