Binhi, pataba, farm chemicals at knapsack sprayers, kaloob ng Project TABANG sa 37 kooperatiba
- Diane Hora
- 7 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ng Oplan Bangsamoro Rapid Assistance (OBRA) program ang pamamahagi ng mga binhi ng pananim, pataba, farm chemicals, at knapsack sprayers sa 37 kooperatiba, araw ng Martes, Hulyo 8.

Ang mga benepisyaryo ay mula sa Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Lanao del Sur, at mga pamayanang Bangsamoro sa labas ng core territory sa Lanao del Norte.

Layunin ng inisyatiba na palakasin ang kakayahan ng mga kooperatiba sa pagsasaka at pasiglahin ang lokal na ekonomiya sa kani-kanilang mga lugar.
Ang OBRA ay ang livelihood component ng Project TABANG na isa sa mga flagship programs ng tanggapan ni Chief Minister Abdulraof Macacua
Comentários