top of page

2,500 UNEMPLOYED COLLEGE GRADUATES SA BARMM, MABIBIGYAN NG TEMPORARY EMPLOYMENT SA ILALIM NG BANGSAMORO INTERNSHIP DEVELOPMENT PROGRAM NG MOLE

  • Diane Hora
  • Nov 27, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Magkakaroon ng temporary employment ang dalawang libo at limang daan na college graduates sa rehiyon sa ipinatutupad na Bangsamoro Internship Development Program o B-I-D-P ng Ministry of Labor and Employment o MOLE.


Laan ng ministry ang 87 million pesos na pondo sa programa.


Bawat intern ay makatatanggap ng 75 percent ng kasalukuyang minimum wage ng isang bayan, syudad o probinsya sa rehiyon.


Ang hakbang ay naglalayong i-empower ang mga unemployed graduates at mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na ma-apply ang kanilang kakayahan sa public service at maka akit ng mga top talent sa government, non-government organizations, ministries, labor and employment sectors, private businesses, and educational institutions, kabilang na ang Madaris, Madrasa o Islamic degree holders.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page