2 bangkay ng lalaki, natagpuan sa bulubunduking bahagi ng Neketan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte; Mga bangkay nasa state of decomposition na nang matagpuan
- Teddy Borja
- Feb 3
- 1 min read
iMINDSPH

Dalawang hindi pa nakikilang bangkay ang natagpuan sa bulubunduking bahagi ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte. Nasa state of decomposition na ang mga bangkay ng matagpuan.

Nakasuot ng blue-t shirt at black short ang isang bangkay ng lalaki na natagpuan malapit sa abandonang bahay sa Barangay Neketan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte
Sa loob naman ng abandonadong bahay, isa pang bangkay ng lalaki ang natagpuan na nakasuot naman ng purple na jersey at black short pants, ayon sa report ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police.
Natagpuan ang mga ito alas 4:30 ng hapon, araw ng Biyernes, a-31 ng Enero ayon sa report.
Nasa state of decomposition na ang mga bangkay nang matagpuan ayon pa sa otoridad.
Nadiskubre umano ng isang batang lalaki ang mga bangkay kaya naipagbigay alam ito sa otoridad.
Natagpuan din ng otoridad sa lugar ang limang piraso ng fired cartridge cases na pinaniniwalaang mula sa 9 mm caliber.
Wala pang pagkakakilanlan ang mga biktima at hindi pa tumbok ng otoridad ang motibo sa krimen.
Comments