2 BAYAN NG MDN AT 3 BAYAN NG MAGSUR, NAKATANGGAP NG AGRICULTURAL PRODUCTS; 4 MARKADZ NAMAN SA BAYAN NG PRESIDENT QUIRINO, PANDAG AT GENERAL SALIPADA K. PENDATUN ANG NAKATANGGAP NG BIGAS AT FOOD PACKS
- Diane Hora
- Nov 22, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Namahagi ang Project TABANG ng Agricultural Products tulad ng Ammonium Sulphate, Agricote MZ Fungicide, Growth and Yield Booster, at foliar fertilizers ang Project TABANG sa mga magsasaka at residente ng Datu Blah Sinsuat, Datu Odin Sinsuat, at Upi sa lalawigan ng Maguindanao del Norte, at sa Guindulungan, Paglat, General Salipada K. Pendatun, at Datu Paglas naman sa Maguindanao del Sur.

Isinagawa ito sa dalawang magkasunod na araw, November 19 at 20 bilang Calamity Response ng Project TABANG.

Nakatanggap rin ng dalawampu’t walong sako ng tig-25 kilos ng bigas at assorted groceries tulad ng apat na kahon ng canned goods, walong kahon ng powdered milk, apat na sako ng asukal, at apat na gallon ng mantika ang apat na Markadz sa Bayan ng President Quirino, Pandag, at General Salipada K. Pendatun, noong araw ng Huwebes, November 21.

Ang mga nakatanggap ay ang:
1. Markadz Majmuat Roma
2. Markadz Addiya
3. Markadz Kalawi
4. Markadz Al-suwaib al islami

Ito ay sa ilalim ng Humanitarian for Orphanages, Markadz, Elderlies and with Special Needs o HOMES Program, ng tanggapan ni Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim, sa pamamagitan ng Project TABANG.





Comments