2 dating miyembro ng Communist Terrorist Group sa Bagumbayan, Sultan Kudarat, sumuko sa otoridad
- Teddy Borja
- Jan 28
- 1 min read
iMINDSPH

Sumuko si alyas “Gab” 30-anyos, dating political instructor ng Platoon Samsung, Front Musa, Guirella Front 73 ng Far Southern Mindanao Region na residente ng General Santos City at isang alyas “Vict” 30-anyos din, Team Leader ng dating Platoon Samsung, Front Musa, GF73 FSMR na residente ng Davao Del Sur.
Pinangasiwaan ng Bagumbayan Municipal Police kasama ang 1202nd at 1204th Manuever Company, Regional Mobile Force Battalion ang pagsuko ng mga ito a-26 ng Enero 2025.
Isinuko din ng mga ito ang isang Caliber .45, isang magazine, mga bala at mga dokumento.
Nasa kustodiya na ng 1202nd MC, RMFB 12 ang mga sumuko para sa documentation at debriefing.
Comentários