2 drug peddlers, arestado sa ikinasang operasyon ng awtoridad sa Koronadal City
- Teddy Borja
- Oct 22
- 1 min read
iMINDSPH

Tiklo sa anti-illegal drug operation ang dalawang drug peddlers.
Ikinasa ang operasyon araw ng Lunes, October 20.
Kinilala ang mga naaresto sa alyas na “Kano”, 27 years old residente ng Barangay Caloocan at isang alyas “Dodong”, 34 taong gulang, residente ng Barangay Morales.
Nakalista ang dalawa bilang street level individuals sa local drug watchlist.
Narekober mula sa kanilang pag-iingat ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 10.6 gramo na may tinatayang halagang ₱68,340.00, at isang ₱500.00 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Ang mga naarestong suspek at nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Koronadal City Police Station para sa dokumentasyon at wastong disposisyon ayon sa batas.



Comments