2 indibidwal, arestado sa ikinasang buy-bust operation ng otoridad sa Malaybalay, Bukidnon
- Teddy Borja
- Jan 21
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang dalawang drug personalities sa buy-bust operation.
Huli si alyas “Gerald” 32 years old at isang alyas “Nicolas” 18 years old nang isinagawa ng City Drug Enforcement Unit ang anti-drug operation sa Barangay Sumpong, a-18 ng Enero.
Nakumpiska ng otoridad sa operasyon ang 21.15 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng 143,820 pesos.
Haharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Dinala na ang mga ito sa Malaybalay City Police Station para sa proper disposition, habang ang nakumpiskang ebidensiya ay isinumite na sa PNP Crime Laboratory para sa dagdag na analysis.
Comments