2 indibidwal, arestado sa joint Anti-Smuggling operation sa Picong, Lanao del Sur; Php 209,000 halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam!
- Teddy Borja
- Jan 23
- 1 min read
iMINDSPH

Labing isang kahon ng mga ipinuslit na sigariyo ang nasamsam ng mga elemento ng Picong Municipal Police sa isang checkpoint sa Barangay Uban-Uban, Picong, Lanao del Sur alas 4:10 ng hapon araw ng Martes, January 21.
Ang mga smuggled cigarettes ay nagkakahalaga ng Php 209,000.
Ang joint Anti-Smuggling operation ay nagresulta rin sa pagkaka aresto ng dalawang indibidwal.
Agad dinala sa Picong Municipal Police station ang mga naarestong indibidwal at nakumpiskang ebidensiya para sa proper disposition.
Comments