2 indibidwal, arestado sa buy-bust operation sa Esperanza, Sultan Kudarat; P68,000 halaga ng suspected shabu, nasamsam ng awtoridad sa operation
- Teddy Borja
- 7 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog sa buy-bust operation sa Esperanza, Sultan Kudarat ang dalawang indibidwal kung saan nakumpiska ng awtoridad ang 68 thousand pesos na halaga ng suspected shabu.
Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Nilo”, 49 years old residente ng Barangay Dukay ng bayan at isang alyas “Kris”, 32 taong gulang, residente naman ng New Pangasinan ng bayan.
Nasamsam mula sa mga suspek ang apat na heat-sealed na transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱68,000.00, pera na ginamit bilang marked money, iba’t ibang identification cards, at isang Android cellphone.
Ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Esperanza MPS para sa tamang dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang buy-bust operation ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, Esperanza Municipal Police Station, 2nd Provincial Mobile Force Company ng Sultan Kudarat PPO, at PDEA Sultan Kudarat sa Brgy. Sagasa, Esperanza, Sultan Kudarat, madaling araw ng Hulyo 8, 2025.
Comments