iMINDSPH

Ang mga naaresto ay 38 at 68years old.
Nahuli ang mga ito sa Sitio Pendulonan, Barangay Bugasan Sur, Matanog, Maguindanao del Norte, a-7 ng Marso, 2025 ganap na alas 10:00 ng umaga matapos isilbi ang warrant of arrest sa kasong multiple frustrated murder.
Ang warrant of arrest ay inisyu ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 27, Cotabato City, a-25 ng Marso 2024.
Nagtakda naman ng Php200,000.00 na piyansa ang korte sa kaso.
Agad dinala ang mga ito sa Matanog Municipal Police Station para sa documentation saka ipi-presenta sa issuing court para sa legal proceedings.
Ang matagumpay na operasyon ay ikinasa ng Matanog Municipal Police Station sa pakikipagtulungan ng Provincial Intelligence and Detection Management Unit.
Comments