top of page

2 lalaki, patay matapos barilin sa Shariff Saydona Mustapha; Motorsiklo ng mga biktima, tinangay ng mga suspek

  • Teddy Borja
  • May 8
  • 1 min read

iMINDSPH


Bumulagta sa Sitio Proper, Barangay Linantangan, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao Del Sur ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin alas 2:10 ng hapon, araw ng Miyerkules, May 7.


Sakay ng motorsiklo ang mga biktima patungo ng Mamasapano nang sundan umano ng mga suspek at pinagbabaril ayon sa otoridad.


Dagdag ng otoridad, tinangay din ng mga suspek ang motorsiklo ng mga biktima at personal na gamit.


Narekober sa crime scene ang tatlumpo’t tatlong basyo ng bala mula sa di pa natutukoy na baril.


Blanko pa ang otoridad sa motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page