7 million learning materials, educational equipment at school resources, naipamahagi ng MBHTE BARMM sa 11 schools division office sa buong rehiyon
- Diane Hora
- 59 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa ilalim ng Project IQBAL o Improve Quality Education in the Bangsamoro Land na naglalayong paigtingin ang kalidad ng edukasyon sa rehiyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kagamitan at mapagkukunan sa mga paaralan at mag-aaral-
Mahigit pitong milyon na mga learning materials, educational equipment, at school resources ang naipamahagi na ng MBHTE sa 11 schools division offices ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kabilang dito ang
• Higit 5 milyong textbooks
• 881,664 ISAL textbooks
• 392,985 armchairs
• 155,232 charts
• 121,800 flashcard sets
• 58,820 gallons ng alcohol
• 9,852 manipulative toys
• 4,910 computer sets
• 1,893 science models
• 2,582 digital duplicators
• at 3 school buses
Binigyang daan din ng MBHTE na mahalaga ang mga resources na ito sa learning environment, promoting literacy, numeracy, and foundational skills sa lahat ng formal schools at community education centers.
Ang Project IQBAL ayon sa MBHTE ay patunay ng pagsusumikap ng Bangsamoro Government na bigyang-priyoridad ang edukasyon bilang susi sa kapayapaan, kaunlaran, at pag-angat ng kabuuang rehiyon.
Comments