top of page

Pagbubukas ng T’nalak Festival 2025, masigla at makulay na sinimulan sa pamamagitan ng Civic-Military Parade, at Thematic Competition

  • Diane Hora
  • 3 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Pormal nang binuksan ngayong araw ang T’nalak Festival 2025 sa lalawigan ng South Cotabato sa pamamagitan ng masigla at makulay na Civic-Military Parade, sinundan ng isang engrandeng Opening Program at Thematic Competition na nilahukan ng iba’t ibang sektor mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.



Ayon kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., isang makahulugang selebrasyon ng pagsasama-sama ng mga mamamayan upang ipagdiwang ang mayamang kultura, kasaysayan at pagkakaisa ng lalawigan—isang malinaw na simbolo ng pagkakaiba-iba ngunit matibay na pagkakabuklod ng mga mamamayan ng probinsya.



Nagpaabot din ng pasasalamat ang pamahalaang panlalawigan sa lahat ng nakiisa sa unang araw ng week-long celebration na tiyak umanong mas magiging masaya pa sa mga susunod na araw.



Happy T’nalak Festival 2025 sa mga taga South Cotabato!

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page