top of page

2 mag-aaral, nasawi, 1 sugatan matapos nagkasalpukan ang kanilang sinasakyang motorsiklo at isang van sa Aleosan, Cotabato Province

  • Teddy Borja
  • Feb 5
  • 1 min read

iMINDSPH


Naganap ang insidente 12:50 ng hapon araw ng Martes, February 4 sa Provincial Road, Purok 4, Barangay New Panay, Aleosan, Cotabato.



Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Benito Alcajero, 19-anyos at Reggy Kenna Inon, 15 taong gulang pawang mag-aaral ng Tubak High School at residente ng Tupig, Carmen, Cotabato.


Sugatan naman sa insidente ang isang 13-anyos na mag-aaral ng nasabing paaralan.


Ayon sa report ng Carmen Municipal Police, dinatnan nila ang isang motorsiklo at isang cargo van sa lugar.


Isinugod din ang tatlong mag-aaral sa pagamutan pero dineklarang dead on arrival sa ospital ang dalawang biktima ayon sa report.


Sa inisyal na imbestigayon ng pulisya, minamaneho ng biktimang si Alcajero ang motorsiklo, sakay naman ang isa pang biktima na si Inon nang mag overshoot ang motor sa blind curve ng daan at aksidente sumalpok sa isang van na nasa kabilang lane ng daan.


Ang van ay minamaneho ng isang 35-anyos na residente ng Upi, Maguindanao.


Dagdag ng otoriad, walang driver’s license ang estudyante na nagmaneho ng motor, expired din ang mga dokumento ng motor at wala itong plate number.


Nakarehistro naman sa Puregold Price Club Incorporated ang van at updated ang mga dokumento ng sasakyan gayundin ang driver’s license.


Ligtas naman ang driver at sakay ng van. Tinutukoy pa ng otoridad ang kabuuang halaga ng napinsalang mga sasakyan.


Dinala naman sa tanggapan ng pulisya para sa driver ng van para sa proper disposition.

 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page