top of page

2 menor de edad, inaresto ng mga tauhan ng PNP PRO 11 sa Tagum City kaugnay sa pagpaslang sa 19-anyos na estudyante ng UP Manila

  • Teddy Borja
  • 14 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado ng mga tauhan ng PNP PRO 11 ang dalawang menor de edad kaugnay sa insidente ng pagnanakat at pagpatay sa isang dise nuebe anyos na estudyante mula sa UP Manila sa La Filipina, Tagum City.


Naitala ang kaso ng pagnanakaw at pagpatay sa isang 19 years old student ng UP Manila, madaling araw ng Miyerkules, July 9 sa Barangay La Filipina, Tagum City.


Sa gitna ng pursuit operation ng awtoridad, naaresto ang dalawang menor de edad sa isang boarding house sa Tagum City.


Narekober mula sa mga suspek ang mga sumusunod na gamit na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng biktima ang

• Apple laptop

• iPad

• Sirang iPhone

• at Dalawang relo


Natagpuan din ng mga pulis ang isang butterfly knife na may bakas ng dugo at isang kitchen knife na hinihinalang ginamit sa krimen. Patuloy naman ang manhunt operation laban sa dalawa pang suspek na nakatakas.


Ang mga naarestong menor de edad ay itinurn-over sa Women and Children Protection Desk (WCPD), habang ang mga ebidensya ay isinailalim sa masusing pagsusuri ng mga imbestigador.

 
 
 

Commenti

Valutazione 0 stelle su 5.
Non ci sono ancora valutazioni

Aggiungi una valutazione

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page