54 participants, nagtapos ng Disaster Preparedness, Search, Rescue, and Retrieval (SRR) Operations na isinagawa sa PNP PRO BAR headquarters
- Teddy Borja
- 15 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Limampu’t apat na kalahok ang matagumpay na nagtapos sa pagsasanay sa Disaster Preparedness, Search, Rescue, and Retrieval (SRR) Operations na isinagawa ng PNP PRO BAR.

Ginanap ito sa PRO BAR Multi-Purpose Center, Camp BGen Salipada K. Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte.
Tumanggap ng certificates of completion ang mga kalahok.
Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, muling pinagtibay ng PRO BAR ang kanilang walang patid na paninindigan sa pagpapalakas ng kakayahan ng rehiyon sa pagharap sa mga sakuna, tungo sa mas ligtas at matatag na mga pamayanan sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Comments