top of page

2 miyembro ng CPP-NPA, nasawi sa 2 magkahilaway na engkwentro ng grupo at ng militar sa Surigao del Sur Province; 4 CTG members, napasakamay at 3 matatas na kalibre ng armas, narekober ng militar!

  • Teddy Borja
  • Jan 31
  • 1 min read

iMINDSPH



Naka engkwentro ng 29th Infantry Battalion sa ilalim ng 901st Brigade ng Philippine Army ang mga nasa sampung CTG members sa ilalim ng Platoon 1 ng Sub-Regional Sentro de Grabidad Westland ng North Eastern Mindanao Regional Committee sa Sitio Dinakpan, Barangay Los Angeles, Butuan City, a-28 ng Enero.



Tumagal ng sampung minuto ang palitan ng putok ayon sa report ng 4th Infantry Division.



Narekober ng militar sa engkwentro ang isang AK Cz. 58 rifle, isang Bushmaster rifle, medical supplies, at personal belongings.



Samantala-


Naka engkwentro rin ng dalawang beses ng 3rd Special Forces Battalion ng 401st Infantry Brigade ang mga miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Pong-On, San Agustin, Surigao del Sur.



Narekober ng militar sa unang engkwentro ang isang AK-47 rifle, backpacks, at medical supplies.


Habang napasakamay naman ng militar ang apat na CTG members sa ikalawang engkentro na sumailalim sa verification at identification.


Pinuri naman ni Brigadier General Michele Anayron Jr., Commander ng 4ID ang kanyang mga tauhan sa dedikasyon at katapangan ng mga ito.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page