2 PATAY, 3 SUGATAN SA AMBUSH SA MAROGONG, LANAO DEL SUR; RIDO O AWAY PAMILYA, ISA SA MGA ANGGULONG TINUTUTUKAN NG PNP NA MOTIBO SA KRIMEN
- Teddy Borja
- Dec 9, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Sa report ng pulisya, sakay ng SUV sina Solaiman Alibasa, retired PNP personnel, Hadji Asrap Sandab, Sanaoray Alibasa, Sarpia Mangayao at Ramil Bao, retired PNP personnel din-at kumakandidatong bise alkalde ng Malabang.

Mula Marogong, Lanao del Sur ang mga ito at patungo sa bayan ng Malabang ng tambangan ng hindi pa kilalang mga salarin, alas 4:30 ng hapon araw ng Sabado sa Barangay Paigoay, Marogong.
Patay sa ambush si Solaiman Alibasa at Hadji Asrap Sandab, sugatan naman sina Sanaoray, Sarpia, at Ramil Bao.
Comments