2 patay kabilang na ang 17-anyos na BPAT member at 3 sugatan sa panibagong pamamaril na naitala sa bayan ng Shariff Aguak
- Teddy Borja
- Jan 28
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang nasawing BPAT member na si Hassen Kumamo. Nasawi din si Esmail Singh. Habang kinilala ang mga sugatan na sina Ali Amerudin at Anwar Banalan.

Naganap ang pamamaril alas 7:35 ng gabi, Enero 27, 2025 sa barangay ng Labu-Labu.

Ayon sa Shariff Aguak Municipal Police, habang ginagampanan ng mga biktima ang kanilang trabaho, bigla na lamang umanong dumating ang motorcycle-riding suspects at agad pinagbabaril ang mga biktima.
Agad tumakas ang mga suspek matapos isagawa ang krimen.
Narekober sa crime scene ang dalawang piraso ng fired cartridges na nakatakdang isumite sa RFU BAR para sa ballistic examination.
Comentarios