top of page

2 sundalo, nasawi, 12 sugatan sa engkwentro sa pagitan ng mga armado sa Sumisip; Mga sundalo, nagsasagawa ng area security sa lugar para sana sa pagbisita ng mga kinatawan ng UNDP

  • Teddy Borja
  • Jan 23
  • 1 min read

iMINDSPH


Dalawang sundalo ang nasawi at labing dalawa ang sugatan sa engkwentro sa Sumisip, Basilan kung saan sinunog din ng mga armado ang military vehicle.


Nagsasagawa ng area security ang mga sundalo para sana sa pagbisita ng mga kinatawan ng United Nations Development Program sa lugar kaugnay sa humanitarian assistance para sa mga residente sa lugar na bahagi ng normalization process.


Sinabi ni Western Mindanao Commander Lt General Antonio Nafarrete, hindi law enforcement ang pakay ng mga sundalo. Magsasampa rin ng kaso ang militar sa mga indibidwal na nasa likod nito.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page