2 suspek na kabilang sa Top 10 Regional Most Wanted ng otoridad na nahaharap sa kasong murder, huli ng otoridad sa Barira, Maguindanao del Norte
- Teddy Borja
- Apr 23
- 1 min read
iMINDSPH

Ikinasa ng mga elemento ng Maguindanao del Norte Provincial Police ang operasyon alas 11:30 ng umaga sa Barangay Lipawan, Barira a-22 ng Abril.
Kinilala ang mga suspek sa alyas na "Naim" at "Wai", residente ng Poblacion, Barira.
Ang pagkakahuli sa dalawa ay kasunod ng warrant of arrest na isinilbi ng otoridad na inisyu ng Regional Trail Court Branch 11, 12th Judicial Region, Malabang, Lanao del Sur na may petsa na February 13, 2024.
Nasa kustodiya na ng Barira MPS ang mga naarestong suspek habang hinihintay pa ang commitment order at legal proceedings
Comments