top of page

2 wanted persons na nahaharap sa kasong frustrated homicide, arestado sa Bansalan, Davao del Sur

  • Teddy Borja
  • Oct 22
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

2 wanted persons na nahaharap sa kasong frustrated homicide, arestado sa Bansalan, Davao del Sur


Inaresto ang mga suspek alas 2:25 ng hapon, araw ng Lunes, October 20 sa Dolo, Bansalan, Davao del Sur.


Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Carre” at isang alyas “Hen.”


Ang pag-aresto sa mga suspek ay base sa warrant of arrest para sa kasong Frustrated Homicide na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, 11th Judicial Region, Branch 21, Bansalan, Davao del Sur, na may inirekomendang piyansa na ₱10,000.00 bawat isa.


Sa kasalukuyan, ang mga suspek ay nasa kustodiya ng Bansalan Municipal Police Station habang inihahanda ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kaso sa korte.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page